Read The Article Below and Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Tuwing Alas-Sais ng Hapon ay May Iyak ng Isang Bata na Naririnig Sa Tabing-Dagat, Laking-Gulat ng mga Tao nang Matuklasan ang Nakakakilabot na Katotohanan
Muli na namang naririnig sa kabahayan ang tinig ng tila umiiyak na batang babae na nagmumula partikular sa karagatan. Ang paniniwala ng mga matatanda ay isang sirena daw iyon na iniwan ng minamahal kaya’t gabi-gabi ay nagpaparamdam sa tahimik na bayan ng Cavite.
Kilala ang Cavite City na isang siyudad na napapalibutan ng mga dagat. Karamihan sa mga mamamayan doon ay nakatira sa tabing-dagat. At may isang maliit na barangay sa siyudad ang tampulan ng kuwentuhan dahil sa diumano’y misteryong ilang taon nang hindi natutuklasan ng mga taga-Barangay Trese.
Isa ang pamilya ni Maricel na nakatira sa tabing-dagat. Kaya naman isa din sila sa mga pinaka-nakakarinig nang malinaw sa sinasabing pag-iyak ng bata.
“Ma, bakit tuwing alas-sais nalang, may naririnig tayong umiiyak na bata?”
Alas-sais na naman kasi at nagsimula na namang umiyak ang misteryosong batang babae sa paligid. Noong una itong marinig sa barangay nila ay ilang tanod ng barangay ang nagtiyagang hanapin kung saan naroon ang bata. Halos araw-araw sa loob ng isang linggo ay hinanap nila ito ngunit wala ‘ni isang bakas silang nakita.
Hanggang sa sumuko na rin ang mga tanod at hinayaan nalang ang araw-araw na pag-iyak ng batang babae na palaging saktong alas-sais ng hapon.
Sa loob ng sampung taon na paninirahan nila dito ay walang araw na hindi nila narinig ang pag-iyak ng batang babae.
Hanggang isang araw ay may isang matandang babae ang napadayo sa kanilang barangay. Hinahanap umano nito ang dati nilang bahay. Nagkataon na napunta ito sa bahay ng pamilya ni Maricel.
“Anak, pasensya na sa abala. May kailangan lang akong kumpirmahin,” naguluhan si Maricel sa sinabi ng matanda.
“Ano po ‘yun, Manang?”
“Isang napaka-importanteng bagay na iniwan sa akin ng aking anak bago siya mawala,” maluha-luhang sabi ng matanda.
Dahil sa awa ay pinapasok naman ni Maricel ang matanda at pinainom ng tubig, maya-maya hinayaan niya na ang matanda na maghanap sa kanilang tahanan.
Nakita niya itong nagtungo sa likod-bahay, kumuha ng maliit na kawayan at agad na hinukay ang lupa doon. Malalim-lalim ang nahukay ng matanda at lumiwanag ang mukha nito nang makita ang isang lumang litrato at isang pulseras.
Umiiyak itong niyakap ang mga iyon, “Soledad, anak patawarin mo ang nanay…”
Naguluhan si Maricel sa sinasabi ng matanda. Patuloy ito sa pag-iyak at maya-maya ay dinasalan ang litrato ng batang babae.
Hinayaan niya muna ito at pumasok siyang muli sa bahay. Maya-maya pa ay pumasok na rin ang matanda at nagpasalamat sa kanya.
“Maraming salamat. Nakarating sa akin ang balitang may batang umiiyak daw dito gabi-gabi.”
Nagulat si Maricel sa sinabi ng matanda. Tumango ito at nagpatuloy, “Anak ko ang batang iyon, ang pangalan niya ay Soledad.”
Napatingin si Maricel sa larawan ng batang babae, kinilabutan siya. Iyon pala ang naririnig nilang umiiyak na batang babae.
“Nalunod siya noong siya ay walong taong gulang pa lamang saktong alas-sais ng hapon. Nagpaalam siya noon kasama ng kanyang mga kaibigan na maliligo lang daw sa dagat. Hindi namin namalayan na lahat ng mga kaibigan niya’y nakauwi at siya nalang ang hindi. Ang akala daw ng mga ito ay nauna na siyang umuwi. Kaarawan ko noong araw na iyon at itong pulseras na ito pala dapat ang ireregalo niya sa akin.”
“Kahapon ay narinig ko ang istorya ng batang babae na gabi-gabing umiiyak sa barangay na ito. Lumakas ang kutob ko na ang anak kong si Soledad iyon.”
Hindi magawang magsalita ni Maricel, naiiyak at naaawa siya sa sinapit ng matandang babae.
“Kagabi ay nagparamdam siya sa panaginip ko. Kaarawan ko ngayon at ika-labing-tatlong anibersaryo din ng kanyang pagkamatay. Alam kong siya ang nagturo sa akin dito,” tukoy niya sa bahay nila Maricel, “Ito ang dati naming tahanan, dito pala sa likod-bahay niya inilibing ang regalong hindi na niya naibigay sa akin noon.”
Naiyak si Maricel sa kwento ng matanda. Inabot ng labing-tatlong taon ang pagbibigay ng regalo ng isang anak sa kaarawan ng kanyang ina. Kaya pala gabi-gabi itong umiiyak, hindi dahil sa pagkawala niya, kundi dahil sa regalong hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataong maibigay sa pinakamamahal nitong ina.
Matapos ang araw na iyon ay naging tahimik at payapa na ang karagatan at kapaligiran ng Barangay Trese.
Tunay nga bang aabot sa ganitong misteryo ang pagmamahal ng isang anak sa kanyang ina? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

0 Comments