Minamaliit ng Babaeng ito ang Kanilang Kapitbahay dahil Kumakain ng Delata Nabigla Siya Ng Tulungan Siya Ng Kapitbahay sa Oras Ng Kagipitan


Read The Article Below and Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Itinali ni Nenita ang kanyang buhok at inayos sandali ang lumang Tshirt na suot, pagkatapos ay lumabas na sa kanilang bahay. Hindi sila mahirap, pero hindi rin naman sila mayaman. Siguro ay masasabi niyang nakakaraos lang, minsan ay nagkukulang pero nagagawan naman ng paraan tulad ngayon.



“Aling Risa pakuha naman pong Sardinas yung kulay green, ibibigay ko sa sahod ng asawa ko, salamat po.” sabi niya habang nakasilip sa bintana ng tindahan nito.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)



Tumalima naman ang matandang babae roon at inabot sa kanya ang sardinas sa lata.

“Nens, medyo mahaba na ang listahan mo rito. Sa katapusan ha?” mabait na pakiusap nito.

“Opo maaasahan nyo po sigurado yan.” sagot niya naman dito. Habang pabalik na sa bahay ay nakasalubong niya si Dina, isa ito sa mga kapitbahay nila na may kaya, nasa abroad kasi ang asawa.

“Goodmorning Nenita, ang aga mo namang mangutang,” nakangising sabi nito sa kanya.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Hindi pinansin ni Nenita ang tila nangungutyang tingin ng babae.



“Wala pa kasing sahod si Nestor, ayos na ito hehehe,” nahihiya pa niyang sagot dito.

“Sardinas? Inuulam nyo yan? Hala ka, binibili ko yan pang ulam ng aso namin. Feel ko kasi hindi naman pangtao ang lasa,” sabi nito. Nakalimutan na yata na minsan ay nanggaling din ito sa hirap.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Mapagbiro ang tadhana, dahil sa taon ding iyon ay napauwi sa abroad ang asawa ni Dina, nawalan ito ng trabaho dahil naaksidente. Wala nang pera ay mabigat pa ang gamutan ng lalaki.


Sa kabila ng lahat ay ma-pride pa rin ang babae at hindi nakikipagusap sa mga kapitbahay. Katwiran nito, uusisain lang siya ng mga tao.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)

Si Nenita naman, kagagaling lang sa tindahan dahil nagbayad siya ng mga utang. Nasalubong niya si Dina na tila nagdadalawang isip kung lalapit sa tindahan o hindi.

“Nenita, magkano’ng ganyan?” nguso nito sa sardinas na hawak niya.

“Ito, 27 pesos. Bibili ka?” tanong niya.

“Oo,” taas noong sabi nito. Ang totoo ay mangungutang lang din ito dahil naubusan na talaga sila. Dire-diretso na itong naglakad papalayo, pero muli itong tinawag ni Nenita.
Image courtesy of www.google.com(Photo for illustration purposes only.)


Paglingon nito, iniabot ni Nenita ang sardinas dito.

“Sayo nalang to,” sabi niya at naglakad na palayo.

Hindi naman tumutol ang babae at narinig niya mula sa malayo ang pagsigaw nito ng ‘salamat’. Napangiti nalang siya habang napapailing, sana balang araw ay matutunan ng kapitbahay na magpakumbaba.

Kung kaya lang sana nitong ipakita ang kahinaan ang kahikahusan na pinagdadaanan ngayon, posibleng marami ang tutulong dito. Naisip niya, pasasaan ba at matututo din ang kanyang kapitbahay na ibaba ang pride niya. Para na lamang sana sa pamilya niyang lubos na naghihirap ngayon.




Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Filipino Feed  ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

SHARE THIS ARTICLE

Post a Comment

0 Comments