Read The Article Below and Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Anak na Bilanggo, Gumawa ng Sulat sa Ama Ikinagalit ng Pulisya. Ngunit Iba ang Pakay ng Anak sa Kanyang Ginawa
Isang matandang magsasaka ang namumuhay mag isa sa bukirin ng Isabela Siya na lamang ang bumubuhay sa kanyang sarili dahil ang kanyang nag iisang anak na si Rod, ay nakakulong. Nang nandito pa si Rod ay ito ang katulong niyang maghukay at magbuhat ng mga mabibigat na bagay.
Nais ng matanda na magtanim ng kamote dahil mahirap ang buhay at wala siyang sapat na pera para bumili ng pagkain, mas makakatipid nga naman sa kamote, sa isip isip niya. Kaya lamang ay hindi naman niya kayang maghukay na, sa edad na 80, konting tungo lang ay sasakit na ang likod ng matanda. Kaya naman naglakas loob siyang sumulat sa anak at ipadala sa kulungan.
——————————————————————–
Anak,
Kumusta ka diyan? Ako ay ayos lang naman dito. Nitong nakaraan ay gusto ko sanang magtanim ng kamote kaya lamang ay masyado na akong matanda para maghukay. Wala naman si Dako para ako’y tulungan dito. Sana nandito ka anak, alam kong matutuwa ka kung magkasama tayong magtatanim.
Nagmamahal,
Papa
—————————————————————–
Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap ang matanda ng liham mula sa anak.
—————————————————————–
Papa,
Huwag mong hukayin ang ating bakuran, d’yan ko ibinaon ang mga katawan.
Nagmamahal,
Rod
—————————————————————–
Kinabukasan ay pinuntahan ng NBI ang matanda at hinalughog ang bahay niya. Naghukay rin sila ng malalim sa bakuran para mahanap ang mga ‘katawan’ ayon sa liham ni Rod, ngunit wala silang natagpuan. Humingi sila ng paumanhin sa matanda at umalis na.
Sa araw ding iyon ay nakatanggap muli ng sulat ang matanda mula sa anak.
Papa,
Ayan nahukay na ang lupain at pwede ka nang magtanim ng kamote, pasensya kana at iyan lang muna ang magagawa ko sa ngayon.
Nagmamahal,
Rod
Ano ang masasabi ninyo sa maikling kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas marami pang updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

1 Comments
Ang husay magsalin sa tagalog.
ReplyDelete