Sundalo nasabugan ng IED habang nikikipag-giyera sa Marawi, Nananawagan ng tulong!


Read The Article Below and Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


 Nakakadurog ng puso! Humihiling ng tulong ang isa sa mga bayani ng ating bayan na nasabugan ng improvised na explosive. Dahil sa pangyayari, napilitan siyang huminto sa serbisyo.



Isa sa mga sundalong nakipaglaban at handang ibuwis ang kayang buhay para sa bayan nang makipaglaban sa Marawi si Staff Sergeant Sammy Galapon.


Ngunit sa kasawiang-palad ay nasabugan siya sa mukha ng isang improvised explosive device o IED habang siya'y nakikipaglaban.


Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, hindi napigilang maluha si Staff Segeant Galapon habang inaalala ang kanyang naging karanasan. Lalo pa at nag-iwan ito sa kanya ng bakas ng sinapit sa giyeara sa Marawi.


Nadurog ang kanyang panga at nabulag ang kanyang kanang mata.


"Sana maayos na itong panga ko para makakain nang maayos,” anito.


Ngunit sa kabila nito ay nagpapsalamat pa rin siya na siya ay nabuhay. Hiling niya na lang ay maisaayos ang nasira sa kanya upang makapamuhay muli ng maayos.


Dahil sa pangyayari, kinailangan niyang huminto muna sa serbisyo. Ngunit kapag siya daw ay tuluyan nang gumaling ay muli siyang maglilingkod sa bayan.



Sa ngayon, paggawa lamang ng duyan ang kanyang pinagkakakitaan. At hindi rin sapat ang tulong na nagmumula sa gobyerno.


 


Salamat sa kabayanihan mo Staff Sergaent Sammy Galapon. Pag palain at gabayan ka po ng Panginoong Jesus.


Ano ang masasabi mo sa usaping ito?


SHARE THIS ARTICLE

Post a Comment

0 Comments