Read The Article Below and Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Marami ang naantig ang puso sa isang post sa social media ng larawan ng isang batang lalaki na mag-isang sinundo ng ambulansiya para madala sa hospital.
Anim na taong gulang lamang ang bata at tinamaan ito ng C0VID-19 kaya naman kinailangan siyang dalhin sa hospital.
Bitbit niya ang kanyang bag at isang maliit na paper bag, sumama ito sa frontliner mula sa ambulansiya na siyang magdadala sa kanya sa ospital.
Ayon sa post ng fan page ng Blackpink, una umanong tinamaan ng virus ang ina ng bata. Nang mahawa ito, dinala na rin ito sa ospital kung saan naka-admit ang kanyang ina.
Sa update ng fan page, sinabing magkasama na sa iisang kwarto ang mag-ina at sabay na nagpapalakas at nagpapagaling mula sa pagkakaron ng virus.
Samantala, maging ang netizens ay labis na naantig ang puso sa mga larawan ng batang ito at wala sila umanong ibang hangad kundi ang paggaling ng mag-ina.
Narito ang ilang mga komento sa social media.
"Ito yung mga nakakaawa e, yung mga bata na nasa bahay lang tapos sila yung nahahawa ng mga lumalabas. Pagaling po kayo ng mamamo!"
"Buti magkasama na sila ng mama niya sa ospital. May paghuhugutan sila ng lakas para mas madali silang gumaling”.
"Naluha ako noong nakita yung bata na dala ang gamit niya, akala ko kasi totally mag-isa siya... buti kasama niya ang nanay niya"
"Magkasama nga sila ng mommy niya pero sana pareho silang mild or asymptomatic na lang."
Posted by π π π π π π π π π on Friday, March 19, 2021



0 Comments